Kaytagal mo palang hinintay ang aking tula.
Kaytagal ko rin hinintay na humupa ang galit sa dibidib
ko.
Ang anino ng kamatayan na laging nakasilip sa bintana ng aking gunita ay akin nang iwawaksi sa isipan,
ibabaon sa lupa.
Inakay mo ako sa isang mundong puno ng kulay, pinaghilom ang sugat na dulot ng nakaraan, pinuno
ng pagmamahal at pag-unawa ang pusong sugatan.
Mga tula ng pag-ibig ay muli kong lilikhain muling bubuksan
ang puso sa hiwaga ng iyong pagmamahal dadamhin ang hiwagang dulot ng pag-ibig natin.
Sa muling pagdatal ng
ligayang inaasam di na kailanman hahayaang pumailanlang sa kawalan ang pusong hapo na ibinilanggo ng pangako.
Aking
aalagaan pag-ibig na alay mo kailanman, saan man hanggang sa dulo ng walang hanggan alalahanin mong taglay ko
ang pangakong ito.
15 Pebrero 2001
|