Nami-miss ko ang ilog. 'Yung lagaslas ng tubig, simoy ng hangin, agos ng
tubig. Ewan ko. May mga pagkakataong gusto ko lang mapag-isa. Pag napagod na ko sa daloy ng kilos ng mundong ginagalawan ko.
Sa paggising ng 6:30 ng umaga para pumasok sa opisina. Ah, araw-araw ganun ang ginagawa ko. Nakakabagot.
Minsan kailangan
mo pang isa-isahin ang dahilan kung bakit ginagawa mo ang mga bagay na ginagawa mo. Ika nga, everything has to have a reason.
Ganun nga ba talaga? Ewan ko. Bigla tuloy ako napaisip.
Kung iisa-isahin ko lahat ng mga dahilan ng mga kilos ko mula
nung namulat ako, kulang ang isang buong magdamag. Kaya heto, hinahayaan ko ang malayang pagdaloy ng nasa isip ko. Sulat lang
ng sulat.
Nakaka-miss magsulat. 'Yung mga panahong kahit nasaan ako - sa loob ng bus o traysikel may mga nabubuong
talaga sa isip ko. Kaya isinusulat ko na lang 'yun sa likod ng palarang napulot ko sa bus, o di kaya sa tiket ko. Ganun ako
kung magsulat ng tula. Mula sa wala, biglang dadaloy ang mga salita.
Haaay..
|