Make your own free website on Tripod.com
Inside ACO's Poetic Mind
Titig
Home
About ACO
My Heart & Soul
Memorabilia
Mga Tula in Filipino
Mga Tula in English
Mga Tula in Iloko
Mula sa Baul
Mga Bagong Likha
Artworks
Links

Nahuli kitang nakatingin
sa akin.
Kahit sulyap lang
naghatid ito ng isang damdaming
di na banyaga sa tulad kong sugatan.
 
May hatid na hiwaga
ang iyong mga titig.
Ako'y napapa-isip
ano'ng kahulugan
ang maaring hatid?
 
Ayaw kong mapalapit sa iyo
baka kasi di mo maunawaan
ang tunay na nadamaram ko
at muling manariwa
ang sugat sa puso ko.
 
Kaya nga
hayaan mo na akong mamuhay
sa sarili kong mundo,
malayo sa iyo
at sa mga gumigising
sa sikil kong pagkatao.