Make your own free website on Tripod.com
Inside ACO's Poetic Mind
Tigilan Mo Na Ako
Home
About ACO
My Heart & Soul
Memorabilia
Mga Tula in Filipino
Mga Tula in English
Mga Tula in Iloko
Mula sa Baul
Mga Bagong Likha
Artworks
Links

 
Kagabi nag-usap tayo
sa telepono
ang sabi mo
nami-miss mo ako
hindi ka pa nakuntento
na marinig ang boses ko
ang gusto mo magkita tayo.
 
Pinagbigyan kita
sabi ko for old time's sake
kaibigan pa rin naman
ang turing ko sa iyo.
 
Pinuntahan mo ako
sa bahay ko
nag-usap tayo
matagal,
seryoso.
 
Ang sabi mo
mahal mo ako
PERO
mahal mo rin
ang asawa mo.
 
Paano ngayon 'yan?
ang sabi ko sa 'yo
malaki ang problema mo.
 
Nag-isip ako
matagal,
malalim
hindi lang pala ikaw
ang may problema
ako rin
kasi mahal kita.
 
Pero ayokong gawin
ang gusto mo.
Teka, mas tama yata
ang ganito:
gusto ng puso ko
ayaw ng konsensiya ko.
 
Masasaktan siya
masasaktan ako
sampu ng kababaihan
na nasa lipunang Pilipino.
 
Sa madaling salita
talo pa rin ako, kami
dahil babae ako
at babae rin siya
at mabigat ang parusa
ng lipunan
sa mga babaeng
tulad namin
na pumapatol
sa lalaking tulad mo.
 
Sapat na muna siguro
na mabuhay ka
sa sitwasyong kinalalagyan mo.
 
Ikaw ang pumili
ikaw ang nagdesisyon
walang pumilit sa iyo,
nagpakasal ka na sa kanya
 
TIGILAN MO NA AKO!
 
01 Mayo 1995
 

Abigail Cruz Oliva