Make your own free website on Tripod.com
Inside ACO's Poetic Mind
Paano?
Home
About ACO
My Heart & Soul
Memorabilia
Mga Tula in Filipino
Mga Tula in English
Mga Tula in Iloko
Mula sa Baul
Mga Bagong Likha
Artworks
Links

Nag-usap tayo ng lihim
tungkol sa isang usapin
masakit mang isipin
tila yata wala itong tunguhin.
Gipit tayo sa panahon
bakit nga ba lagi na lang ganon?
 
Paano na?
simpleng tanong
pero hanggang ngayon
nananatili pa ring
isang tanong.
Walang maisagot
walang masabi
o baka naman
ayaw lang talagang
sagutin.
 
Paano na nga ba?
Ewan ko.
Hindi ko alam.
Ayoko nang alamin
dahil wala itong
tiyak na tunguhin.
 
Paano nga ba natin
aaminin na isa't isa'y
mahal natin?
 

Abigail Cruz Oliva