Make your own free website on Tripod.com
Inside ACO's Poetic Mind
Kapag Nasabi Ko Sa Iyong Mahal Kita
Home
About ACO
My Heart & Soul
Memorabilia
Mga Tula in Filipino
Mga Tula in English
Mga Tula in Iloko
Mula sa Baul
Mga Bagong Likha
Artworks
Links

aminin mo kaya na mahal mo ako?
 
Damdaming nagu-umapaw sa pagsuyo
Dugong dumadaloy sa bawat pintig nitong puso
Masabi ko kaya sa iyo
Gayong alam kong ako'y mabibigo?
 
Ewan ko.
 
Dama ko kasing walang katuturan
Mga paghihirap ko'y walang patutunguhan
Kung ipagpapatuloy itong kahibangan.
 
Maintindihan mo kaya ako
At ang mga nadarama ko
Sa tuwing nagkakasama tayo?
 
Siguro.
Ayoko nang alamin.
 
Baka kasi aminin mong
ako'y mahal mo rin.