Make your own free website on Tripod.com
Inside ACO's Poetic Mind
Aileen
Home
About ACO
My Heart & Soul
Memorabilia
Mga Tula in Filipino
Mga Tula in English
Mga Tula in Iloko
Mula sa Baul
Mga Bagong Likha
Artworks
Links

Dahil sa iyo
natuto akong
maglaro
ng mga salita
sa isang paraang
matalinhaga.
 
Umibig ako sa iyo
kung kaya
ako'y nakalikha
ng mga tula
sa pamamagitan
ng paglalaro
ng mga salita.
 
Subalit ika'y wala na
sa aking piling
at tapos na
ang lahat sa atin.
 
Patuloy pa rin ako
sa paglalaro
nga mga salita,
sa paglikha
ng mga tula.
 
Subalit ngayon
ang mga tula
ko'y hindi na
ukol sa iyo.
 
Natutunan ko na
ang lumikha ng tula
para sa iba,
para sa kanila
na hindi ko
nabigyan ng pagkakataon.
 
Ngunit bakit ganito
ang aking nadarama
may lungkot pa rin
sa aking mga mata.
 
Tahimik kong
pinakikinggan ang tibok
ng puso ko
bagama't malaya na
sa seldang kinalalagyan
iisa ang isinisigaw,
 
Ikaw.
 
31 Marso 1995

Abigail Cruz Oliva