Make your own free website on Tripod.com
Inside ACO's Poetic Mind
Paglisan
Home
About ACO
My Heart & Soul
Memorabilia
Mga Tula in Filipino
Mga Tula in English
Mga Tula in Iloko
Mula sa Baul
Mga Bagong Likha
Artworks
Links

sa napipintong paglisan
damdami'y nagpipilit tumutol
nag-uumalpas
nagnanais na manatili
sa 'yong piling
sa init ng iyong dibdib
sa halimuyak ng iyong hininga

pinipilit iwaglit sa isip
ang pagkakalayo
ng dalawang pusong
taimtim na nanalangin
na sa dulo ng mga pangamba
magwawagi pa rin
ang pagmamahalang nadarama

mariin kong ipipikit
aking mga mata
luha'y hahadlangan
sa pagdaloy
pilit na aalalahanin
masasayang araw sa iyong piling

at patuloy na aasa
sa pagdating ng isang bukas
sa pagsikat ng araw

patuloy kitang mamahalin
madurog man ang puso ko
sa pagkakalayo
umaasa akong sa muling
pagbabalik
puso nati'y magniniig
sa tamis ng ligayang dulot
ng walang hanggang pag-ibig.

21 Mayo 2001

Abigail Cruz Oliva